Pinoy Aksyun Pilms

Natatandaan mo pa ba ang huling Pilipino aktion film na napanood mo? May napansin ka bang kakaiba? Wala di ba, wag na kayong magtaka kung pano ko nahulaan ang unang pumasok sa isip mo. Hindi naman sa mahilig ako mangutiya o mayabang ako, pero halos inuulit-ulit na lang ang mga eksena sa mga Pinoy Action Films.

Umpisahan natin sa kabuuhan ng istorya. Bida, namatay ang asawa, byudo, may nag-iisang lalaking anak. Naging drug addict o rebelde ang anak. May dumating na drug lord na kontra-bida. Kumampi sa kontra-bida ang anak. Nagtuos ang bida at kontra-bida. Nag-traydor ang anak. Namatay ang anak at kontra-bida. Siguro hindi ko gaano nilagay sa detalye ang ibig kong sabihin, pero hindi ba't pamilyar?

Isa-isahin natin ang mga eksena. Sa aksyon, ang shooting scene ay nasa lumang warehouse. Kahit gaano karami ang kalaban ay napapatay ito ng bida, at kontra-bida lang ang nakakatama sa bida. Kung nawalan ng bala ay tinatapon na ang baril. Kapag rumisponde na ang pulis ay huli na, at may nakataling (kahit di mo lapitan) Good Morning™ sa ulo, ang tipikal na kulay ng damit ay puti, grey, itim at naka-leather jacket. Kung pulis ang bida at kakain siya, pansit at tubig ang inoorder niya. Owner type jeeps ang service ng mga pulis. At kapag car chase ay Celeste ang parating ginagamit, kung hindi umiikot sa ere ay sumasabog o nahuhulog sa bangil. At kapag may sumabog na naman na bomba, ay eksaktong-eksakto sa pagsabog ay pagtalon ng bida, ka-holding hands ng leading lady. May idadagdag pa ako sa car chase, nabubunggo ang mga fruitstand at kapag motor ang dala ng bida ay lumulusot ito sa ilalim ng mga cargo truck para mabunggo ang humahabol sa kanya sabay BOO!!! Pagkatapos makipag-sapakan, ang susunod na eksena ay ginagamot na ang mga pasa at umaaray-aray pa, habang nakaupo sa kahoy na sofa.

(alam ko marami pa, pero ibahin naman natin)

Hindi lang naman action ang may paulit-ulit na eksena. Siguro mas marami pa ang sa komedy. Umpisahan natin sa BEACH. Kung nagcecelebrate madalas ay sa beach. Tapos syempre kakanta at sasayaw sila. Kapag may mag-syota naman ay tatakbo sila sa gilid ng beach ng magkasalubong at madadapa o mahuhulog sa butas ang lalaki o kung di naman ay iba ang yayakapin o ang babae ang magbubuhat sa lalaki. Kung may nalunod naman ay hindi nila ma-pronowns ang resuscitatin at nabubulol pa. At kung pangit ang gagawa ay biglang magigising ang nalunod.

Ang parating umagahan ay tinapay, itlog, hotdog at orange juice. Vandolph ay parating naka-sando. Pare-parehas ang gumaganap sa matandang multo at parating sira-ulo si Kalansay (di ko alam pangalan). Pulis ay parating hepe. Kidnap leading lady at kapag huling darating pulis, batok bida ang nahuli. Di nakakabayad sa boarding house ng 3 buwan.

In general, di maitatanggi na tanga ang Pinoy. Siguro nga masyado na akong mapangutya, pero totoo.

IV-Lope K Santos 2003
Contact information here.