awa?
By constawedxc


late na naman, parati naman ayos lang gaon din naman yung prof namin. ang init naman umagang-umaga kung kelan malapit na ang pasko. mahirap talagang sumakay ng dyip sa umaga papuntang hi-way. tarantadong talaga tong mga drayber na to, hindi ka naman sasakay, hihinto sa harapan mo. ...hmm (pagkatapos ng kalahating oras saka nakasakay).

buti andito na ako sa quezon ave., malapit lapit na rin ako kayalng trapik. biglng may batang sumakay sa dyip na batang pulube. "pulube"- payat, gusgusin, uhugin...pulube. ilang beses ko nang nakita tong bata ng to dito sa ave. sasakay ng dyip, may dalang basahan, biglang namumunas ng sapatos ng mga pasahero, tapos manglilimos. trapo daw sabi ng matabang mama. narinig ko yung dalawang matandang lalaki sa harapan ko, “tinanong ko dati yung batang yan kung para saan yang pinanglilimos niya ... pang-gin daw ng tatay niya”. natawa ang mga nakarinig tungkol sa kwuento ng lalake. bumaba na ang bata... naluluha at parang nagmakaawa pa sa binatang nagttext sa dulo ng dyip. nung umandar na ang dyip, biglang hinablot ng bata ang 3310 ng lalake. “putang inga ka, manong hinto na-snatch cel ko.....

kinabukasan.

late na naman ako, badtrip umuulan pa, wala pa akong payong trapik pa, basang-basa na ako. palabas pa lang ng commonwealth kalahating oras na hihintayin ko.

buti andito na ako sa quezon ave., malapit lapit na rinako kaya lang trapik. yung bata uli, pasaway talaga mangssnatch yata uli. basa, may mga pasa sa mukha... siguro binugbog ng lalake kahapon, kawawa naman.

nagsimula na sa pagunas ng sapatos ang bata. .. paramdam ng babae sa tabi ko sabay bulong ng “ang baho naman ng batang to, hmm ano ba yan?!”...

walang nagbigay ng barya sa bata, “boy raratsada na to bumaba ka na!!!” kawawang bata... walng pumansin sa kanya sa loob, pero lahat tumingin sa pagbaba niya... tila naghihinala kung may gagawin na kabulastugan ang bata...wala. humarurot ang mga dyip, kasunod namin, trak ng basurahan... humarurot din sabay ng bpag baba ng bata. napatingin ang lahat ng sumnigaw ang bata. nasagi ang balikat niya sa bamper at gulng ng trak.

“kawawa naman yung bata” sabi bng babaeng katabi ko

hindi ba siya naawa sa bata nung nanglilimos pa siya sa loob ng dyip?

IV-Lope K Santos 2003
Contact information here.