Thursday, August 25, 2005 


1:33 AM - Ang klase sa Pisika

Naalala niyo pa ang class project natin sa physics?
Oo ako yung nag-conceptualize 'nun pero ni isang bombilya wala akong kinabit sa project natin. Wala lang naalala ko lang siya ngayon. Hindi ko nga alam kung anong silbi kung bakit ko ginawa 'yun. Haha. Sorry sa lahat ng naperwisyo ko. Alam kong maraming bad trip sa inyo pero four years ago na 'yun at baka ang iba sa inyo hindi na rin maalala.

Madalas kong maalala ang mga high school moments natin, nakalulungkot minsan pero alam kong darating din ang petsa ng muli nating pagkikita. Mabuhay kayong lahat.

  posted by Jun Cristobal
  

Powered By Blogger TM

IV-Lope K Santos 2003
Contact information here.