Dont place any guns and ammo near me.. And forks too.
Naiinis talaga ako nung nagpunta ako sa Diliman. Una maraming bakla, di ako makahinga kung may bakla. Ayun na nga tumambay muna kami ni AC sa may Casaa Food Center, dun sa may lumang trak na kulay dilaw na, balot sa kalawang, nanunuot sa makina. Umiwas kami sa maraming tao upang di ako mapagsino ng iba pang tao roon . Eh di ayun na nga may ilang mga tiga DPS din ang nandun, na excited malaman ang resulta na para bang naghihintay sa tugon ng manghuhula.
Namamawis ang kamay ko, at para hindi lalong kabahan, sinipol ko ang kanta ng dating peyborit band na Eraserheads. Unti-unti kumapal ang tao, at sa pagkakita nito lumapit na kami sa Admissions office. Naupo kami sa bangko katabi ang ilang mga nanay, kapwa estudyante at mga yaya. Dali-daling nilabas ng mga tauhan ng Tanggapan ang mga blackboard kung saan naka-paskil ang mga resulta ng eksamen. Kapansin-pansin na iilan lamang ang naroon. Tatlong Blakburd na back-to-back. yun lamang ang kabuuan ng mga mapapalad na tatanggapin sa Unibersidad ngayon. Hindi na ako umasa. Di kagaya ng ibang naroon, matagal na akong di-umaasa. Ngayon napatunayan ko na maaring nasa una ang pagsisi.
Bago lumapit,
"Ano AC?, Fight?", para ba akong lulusob sa giyera. Alam ko iyon naroon ang talunan, ang sugatan, ang lumalaban at ang tagumpay. Ako naman marahil yung nakikisingit laang. Marming eskuwelahan na naroon. Claret, Miriam, Ateneo, UPIS at sari-sari pang iba. Kinundisyon ko ang sarili, wala kang aasahan dito!, yun ang laman ng utak ko. Binalingan ko ng makaisa pang beses si Pareng Andres. At lumusob na kami.
*Mamadaliin ko na ha.
Ayun naroon ang ibang mga kaklase ko. Ang tingin nila sa akin ako yung papasa, ako ang pag-asa nila. Nauna na kasi sila sa giyera. Kami naman ni AC...
Nagbalik sa akin ang gunita ng isang pangitain kanina, mula sa dyip na sinasakyan namin. E-heads ang tugtugon sa radyo "Kailan", iba ang dating sa akin. Kanina talo ko pa ang pantog na kanina pa napupno ng ihi. Gusto ko ng malaman ang resulta. Magkaalaman na! Higit sa anim na buwan na hinintay ko, naiinip na ako, tsong.
Nakakatuwang pagmasdan ang mga butil ng pawis sa aking mga pisngi, mas mabilis, habang tumatagal. Nataranta na ako, napaaga pa ang para ko sa dyip. Nagkaron muna kami ng kasunduan ni Andres,
"Tol, maluwag nating tatanggapin ang anumang kalalabsan ng eksamen, ha!"
"Siyempre naman, kahit sino sa ting dalawa ang pumasa, kakain sa Mang Jimmy's..."
*huminga akong malalim, at sa pangalawang beses, lihim kong hiniling, makita ko sana ang pangalan ko sa mga listahang naroon. Nauna na akong nanalangin kanina. Sinabayan pa ako ni Akbor. Tumulak na kami sa Palma Hall, sakay ang dyip na biyaheng UP-ikot. Dito ko na naisip ang tila isang guni-guni na dumaan sa utak ko kanina. Trapik! Wala na namang laman ang utak ko. Ang gusto ko lang malaman, Naroon ba ang pangalan ko?, tapos. Kung wala, di ko alam.
Sa higit na 11 anos na nilagi ko sa elementarya at highschool, ngayon lamang ako namawis ng ganito, parang nung una akong sumakay ng Taksi sa Maynila. (probinsyano kasi ako). Natapos ng tingnan ng iba ang kanilang pangalan, di gaya ng iba, hindi ako iiyak, at hindi rin ako mag-tatatalon na mukhang gago tulad ng iba. Pag di namin nakita ang pangalan ng bawat isa, Tatahimik na lamang ako. Naatat ako, kaya pinuntahan ko na ang listahan na naglalaman ng mga apelyidong C1/2-C1. May tatlong Crisologo, Crisostomo, Cristobal, Cristobal, Cristobal.... Bumalik ako sa una. Pulos pangalan ng babae ang naroon. Walang niisang tumama sa letrang G.
Naisip kong muli ang naisip ko kanina, Tatahimik laman ako. Pinuntahan ko sI Aycee. Wala rin ang kanyang pangalan. Umalis kaming bigo. Di namin nagawang tingnan ang pangalan ng iba. Amin na laman ang kalungkutan.
originally posted as: I Flunked the UPCAT Posted: 9:40 PM (Manila Time) | February 12, 2003 By Geronimo Cristobal-LKS Literary Service