Saturday, May 22, 2004 


3:53 PM - Kleptionary

"Bato-Bato sa langit, ang tamaan.... Ikaw na nga yun!"

Kleptionary from the LKS Times (2nd week-3rd Quarter)
Kleptus- G. Scientific Name ng Kawat

Dictionary- Mga dapat alamin at kaukulang katawagan sa anumang bagay sa isang Klepto

Arbol- Isang uri ng di tuwirang pagnanakaw. Dito kunwaring hinihiram ang gamit at di na muling isasauli ng klepto

Bida- Kapag nawala ang gamit, siya ang madalas na nauuna sa paghahanap

Biyernes- Paboritong araw ng Klepto
*dahil may dalawang araw siya para magpalamig sa mga paratang ng mga nakakahalata na.

Bato-Bato sa Langit
- huwag na nating pagusapan pa

Sulyap- Tinitingnan, Sinusuri at madalas na pinagiisa ang lahat ng mga pagdadalwang isip ng Klepto

Plastic- Ang defence mechanism na madalas gamitin ng Klepto upang hindi mapaghalata ang maitim na balak o binabalak pa lamang.
Madalas ring gamitin sa tuwing siya'y nabubuking

Pangangati- T. Mula sa isang paniniwala: "Kapag nangangati ang palad ay magkakapera ang isang tao", "Kapag nangangati ang Klepto; Pera at cellphone ay mabuting inyo nang itago", Hindi mapakali at di maubusan ng gagawin

Magnet (Bato Balani)- Malakas ang kapit sa mamahaling bagay

Nakaw- Isang antas ng Klepto, ang pagnanakaw ay masama, isa itong garapal na pamamaraan kung minsan na di na namamalayan ng biktima na siya pala ay nanakawan na!

Limas- Nakaw sa pinaka-Rurok ng kakayahan at kasamaan ng isang Kawatan, wala siyang "tinira", at wala talaga siyang ibabalik

Kaibigan- Potential na biktima

Kupit- Gawain habang bata pa

Erap- Isang "institusyon sa pagnanakaw", *tingnan ang "Plunder"

Tira- Pitaka o bag na madalas makita sa CR
Use in a sentence:
Mabuti na lamang at natira ang Girbaud na pitaka ni *****, matapos limasin ang lahat ng laman nito

Sixth Sense- Kahit na itago mo pa ang cellhone mo sa iyong underwear o sa pinakamatibay na kaha de yero, walang nakaliligtas kung gagamitin na ng Klepto ang kanyang "Sixth Sense", nakikita niya ang hindi natin nakikita.

Luha/Iyak- Kung wala kang magawa lalo na't ang iyong kaibigan ay katulad ng alin man sa napabilang na antas ng isang magnanakaw. Lumuha/Umiyak ka na lamang sa Guidance office.

Titig- Pinagaaralan pa rin niyang mabuti ang bagong model ng Nokia o ang umbok ng iyong pitaka kahit na medyo nakakahalata ka na sa kinikilos niya

CR
- Kung saan madalas iniiwan ang "tira"

NIDO- Gatas ng mga kawatan: "Uminom ng NIDO para ma-develop at lumaki ang Kawatan"

Salonpas- Bakit kaya ganito ang kanyang amoy parati. Dahil ito ang madalas niyang ilagay sa kanyang hita at braso matapos ang isang madugong modus operandi sa isang kaklase.

Imbisibol- Bigla na lamang siyang nawawala sa Eksena

Kleptoris- Madalas katihin kaya madalas ring kamutin


Lupin- *hindi kasali sa orihinal na lathalain*- Idolong Anime ng mga klepto

Plunder
- Balang araw kapag hindi naagapan o nabigyang lunas ang kanyang karamdaman siya'y magkakamal ng sapat na lakas at kapangyarihan upang gumawa nito.

SSS- (Pangalan) Nagkakamali kayo kung inaakalang ito'y "Social Security System"


By: Jimalera Kmexdavon and Onuel Darox

  posted by Jun Cristobal
  

Powered By Blogger TM

IV-Lope K Santos 2003
Contact information here.